Duterte's message to the Filipino people

View previous topic View next topic Go down

Duterte's message to the Filipino people

Post  Admin on Sat Nov 28, 2015 9:00 pm




10 PUTANG INANG POLICIES NI MAYOR DUTERTE NA INIMPLEMENT SA DAVAO CITY!

1. SMOKING ORDINANCE - Ginawa itong ordinance na to
in 2002,hindi pa ako marunong manigarilyo nun. It was in 2005
when I started smoking. It wasn't seriously implemented yet
that time but after a few years sineryoso na talaga
ang pagimplement ng anti-smoking ordinance. Nakakairita
nung panahon na yun kasi gusto mong magyosi hindi na pwede
kahit saan. But later on you'd realize tama rin naman yun eh,
2nd hand smoke is dangerous. Kung gusto mong magpakamatay
eh wag kang mandamay ng ibang tao.

2. TOTAL FIRECRACKER BAN - I was 12 years old when this
was implemented. Simula nung 9 years old ako nahiligan ko
ng magipon ng allowance para tuwing december makakabili
ako ng maraming kwitis at kung anu-ano pang pailaw.
Eh potang ina hinding hindi ko na mararanasan pang
magsindi ng kwitis at panoorin itong lumipad at pumutok.
Pero katagalan as you grow older hindi lang rin naman
pala paputok ang paraan ng pagcelebrate ng pasko at new year.
Kung tutuusin, enjoy na rin kaming maghagis ng kaldero
at kung ano ano pang bakal sa daan sabay on ang alarm
ng mga sasakyan. Siguro kung hindi inimplement yung firecracker ban
baka sa sobrang hilig ko sa firecrackers eh matagal na wala
mga daliri ko. lol

3.NO TO BORA-BORA or MODIFIED MUFFLERS - Wala akong motor. Okay lang 
sa akin to. lol
4.VIDEOKE USAGE RESTRICTION - Eh sino bang Pinoy sa lupa ng Pilipinas
ang hindi mahilig magvideoke? Kahit gaano pa ka sintunado ang boses nyo
hahawak at hahawak ka pa rin ng microphone, lasing ka man o hindi
basta may get together eh kakanta ka talaga. Eh potang ina, binawal
na ang pagvivideoke sa mga public establishments hanggang 10pm nalang.
Nakakabadtrip dba? Pero naranasan mo na ba tumira malapit sa isang establishment kung san nagpapavideoke sila hanggang madaling araw? Hindi ka makatulog ng maayos dba kasi ang ingay nung kumakanta, masmaganda pa boses
ng manok kung ito ay nagtitila-ok. Isipin mo na lang masmasarap talaga
matulog ng mahimbing na wala kang maririnig na nagvivideoke. lol

5.SPEED LIMIT ORDINANCE - 17 years old ako nung simula akong magmaneho magisa.
Syempre idol ko si Paul Walker, eh kung gawin ko rin kaya yun sa highway. 
Pero kalaunan nung nakatikim na akong mabundol ng epal na driver na ang bilis
magmaneho tapos ako ang bagal ng patakbo that time, eh natural mahihighblood ako.Doon mo na maiisip na medyo mali talaga magFast and furious ka sa kalsada. lol Eh nakatikim na rin ako na mahuli dahil overspeeding, mahirap ang parusa magbabayad ka ng fine plus isang araw ang mawawala sayo sa pagaantay na makuha ulit ang lisensya mo. Eh masmainam nalang yung mabagal ka magpatakbo kaysa makabangga ka ng tao,sasakyan
masmalaki babayaran mo or mahuhuli kang overspeeding mawawalan ka ng isang araw at syempre ang pera na ibabayad mo sa fine.

6.LIQUOR RESTRICTION - Lahat ng mahilig magparty, uminom na parang wala ng bukas alam na alam ito! 2013 <--ang taon sinimulang iimplement ito. Liquor ban is from 1am-8am. Eh kung gusto nyong uminom hanggang umaga, bumili na lang kayo sa kung sang convenience store meron at doon kayo uminom sa bahay nyo or bahay ng kaibigan nyo. This was made para iwas disgrasya sa mga nagmamaneho ng lasing. Before this LIQUOR RESTRICTION, trust me, palagi akong nanonood ng news sa tv at nakikinig rin ng news sa radyo, 
ang daming namamatay sa kalsada dahil sa vehicular accidents at ang dahilan,
lasing ang nagmamaneho. Sino ba naman gusto mawalan ng kamag-anak
dahil lasing yung driver ng sasakyan na nakabundol sa kamag-anak nyo?

7. NO TO DISHONEST TAXI DRIVERS - This ordinance prohibits taxi drivers
from doing contract fares. Although meron pa rin talagang ibang mga pasaway.
Pero since inimplement ito tumino na karamihan ng mga taxi drivers.
2 days sumakay ako ng taxi kasi unavailable yung ginagamit ko na sasakyan.
Alam ko na minus 10 pesos yung total na babayaran ko. Kaso sinubukan ko yung 4 na drivers ng taxi na bigyan sila ng sobra then sabay baba sa taxi nila,
sila pa ang tumawag sakin sir, sobra binigay nyo. If I remember it right,
bluetaxi, holiday, aaliyah and yung isa d ko matandaan ang pangalan nung
company.

8. ANTI-DRUNK DRIVING LAW - Pagnakadamage ka ng property, private or government property tapos malalaman ng police na lasing ka? Goodluck sa amount ng damages na babayaran mo. 25k-250k ang range ng fines plus ilang taon na pagkabilanggo at marerevoke ang license mo. I'm not sure about the exact punishments/fines but the thought is, WAG KA NANG UMINOM NG ALAK ATSAKA MAGMANEHO PAUWI. lol Magtaxi ka na lang or magjeep nakakatulong ka pa sa mga drivers!

9. STRICT IMPLEMENTATION OF 1/3 - 2/3 POLICY - Sino mahilig maglakad sa downtown area. Dahil sa dami ng nagtitinda sa sidewalk eh dun ka na lang dadaan sa kalsada mismo. Iwas disgrasya po tayo. Ang sidewalk ay para sa mga taong naglalakad at hindi po 
lang para sa mga nagbebenta.

10. DAVAO 911 - Nasubukan nyo ng tumawag sa 911 dahil sa emergency?
I did, and a lot of times already. Meron pang isang beses noon meron
akong nakitang nagsuntukan na grupo ng mga lasing, isang tawag lang 
ng 911, dumating agad yung mga mobile ng police at tinigil yung away.
Vehicular accidents naman, ilang beses na ako tumawag kasi may naaksidente
sa daan, sabi ng operator sir papunta na po yung mga medics namin
and marami na pong tumawag kanina. Eh diba ang galing? Yung mga taga
davao na mismo ang nagrereport agad agad sa mga authorities tuwing may 
aksidente, sunog, or krimen na nagaganap.

Eh sino bang Mayor ng potang inang lugar sa Pilipinas ang nakagawa ng ganito?
Yung kayang disiplinahin ang mga may matitigas na ulo kagaya ko.
Pasensya na po at medyo napamura ako. smile emoticon Gusto ko lang po kasing
itatak sa kokote ng mga iba nating kapatid na Pilipino na napaka sensitibo at napakakitid ng utak, na hindi lahat ng taong NAGMUMURA ay potang inang walang kwenta

Admin
Transformer

Number of posts : 75
Location : Metro Manila
Job/hobbies : surfing
Registration date : 2008-10-07

View user profile http://philippines.forum-motion.com

Back to top Go down

View previous topic View next topic Back to top

- Similar topics

 
Permissions in this forum:
You cannot reply to topics in this forum